Lessons

Nasaan ka Pag-Asa?

This blog post is going to be different among others. For the first time, I’m going to write using my own dialect – TAGALOG.

I dedicate this to every person out there who’s only a finger away from giving up and is ready to give up hope, to a person who doesn’t see the point of living anymore, to a person who’s in so much darkness. I tell you, the light is there. You don’t need to look for it anymore. It’s already there.

Ayoko na. Pagod na ako.

Mga salitang paulit-ulit tumatakbo sa isip ko. Hindi pa ba kayo pagod? Tinanong ko sila. Pero tumingin lang sila pabalik sa akin at sinabing, “Diba ikaw ‘yun?”

Nararanasan mo na ba ito? Na pinipilit mong kayanin ang lahat. Pinipilit mong magpasalamat at maging masaya sa mga biyayang binigigay Niya pero sadyang merong humihigop sa’yo. Humihigop sayo pababa na para kang naghihina.

May mga gabing nakatingin ka nalang sa kawalan habang may mga luhang hindi mo alam kung anong pinangagalingan. Tama na. Paulit-ulit mo ring sinasabi sa sarili mo. Tama na.

Sa bawat umagang gigising ka, alam mo sa sarili mong ayaw mo na. Ayaw mo ng magtrabaho, ayaw mo ng gumising. Parang wala ng kahulugan. Wala ng kabuluhan. Hindi mo na mahanap ang rason kung bakit nandito ka pa. Bakit nga ba?. Kung kaya’t sinusubukan mong gawin parin ang tama sa araw-araw. Gumising. Magdasal. Magtrabaho. Mag pahinga. Pero hanggang dito na nga lang ba? Dahil sa totoo lang, para ka lang tumatakbo nang paikot-ikot sa isang bilog na tipong wala ng katapusan kahit sabihin mo pang gusto mo ng lumisan.

Hindi mo yata kayang magtagal na sa ganitong sitwasyon. At minsan humihiling ka na lang na isang umaga, magising ka na nasa iba kang mundo. Panandaliang pagtakas. Baka pwede kang tumakas kahit isang araw lang. Para makita mo man lang kung ano nga bang ibig sabihin ng lahat ng ito. Na baka pwedeng huminto ang oras para man lang matulungan kang magkaroon ng ibang perspektibo.

Humihiling ka sa Diyos, “ayoko na po.” Alam mong nakikinig Siya. Alam mo kasi nagtitiwala ka Sakanya. Sadyang alam mo lang na may pinagdadanan ka ngayon at may pasgsubok kang dapat lagpasan. Tanggap mo sa sarili mong dapat mo itong pagdaanan pero masyadong mahirap at masyadong mabigat. Parang kung iisipin kaya mo ba? Kaya ko ba? Kasi sa totoo lang, pagod ka na at parang hindi mo na yata kaya. Ayaw mo ng kayanin kasi hirap ka na at pagod ka na. Paulit-ulit na mga salita na kahit ikaw sawa ka na. Sawa ng sabihin, sawa ng maramdaman.

Paano mo kakayanin? Hanggang kailan mo kakayanin? Hindi ba pwedeng matapos na lang para wala ng sakit, wala ng luha. Kasi pagkatapos ng isang araw babalik ka na naman sa simula. Na bawat araw para bang tumutusok sa puso mo, hanggang sa parang manhid ka na lang at konti na lang bibitaw ka na sa kung ano mang pinanghahawakan mo.

Nakatitig ka sa Sakanya habang nakikinig sa katahimikan Niyang di mo mawari kung sinasadya na lang ba Niya o may dahilan Siya talaga. Pero gusto mong sabihin na tama na. Ano bang gusto Niyang mangyari. Tama na.

Paano mo nga ba ‘to pagdadanan? Paano malalagpasan?

Sa totoo lang, hindi ko rin alam kasi ako hindi pa rin ako tapos. Wala pa yata ako sa dulo. Pero buhay pa ako ngayon. Minsan naiisip ko nga na kunin na lang kaya Niya ang buhay na ‘to kasi nakaka tuwa isipin na may langit. Na doon wala ng lungkot. Yung ganong estado. Yung magaan, masaya, at payapa.

Ano nga bang gusto Niyang mangyari?

Iba-iba tayo ng istorya. Iba-iba ng dahilan. Iba-iba ng pinagdadaanan. Yung pwedeng sagot sa akin ay hindi pala para sa’yo. Pero sa ngayon ano nga bang pwede nating panghawakan? Siguro ito, yung katotohanan na buhay PA tayo. Na kung pakiramdam natin na sayang ang buhay natin, Siya iba yung iniisip Niya. Siya ibang yung tingin Niya. Iba ang mga paraan niya.

Minsan ganon ang pag-asa. Hindi mo mararamdaman agad-agad pero naniniwala ka na sa bawat pagtatapos ng isang araw, papalapit ka na sa liwanag. Na hindi habang-buhay ang kadiliman na ‘to. Na kahit ayaw mo na, mayroon ka paring pwedeng pagpilian. Siguro kung titignan mo, kung hihinga ka, makikita mo na hindi pa ito ang dulo ng lahat. Yung sa kabila ng sakit at paulit-ulit na pagluha, hindi naman ito yung unang beses na pakiramdam mo wala ng pag-asa ang lahat. Hindi naman ito ang unang beses na tinatanong mo ang Diyos. Pero nandito ka parin ngayon, buhay ka pa rin. Binubuhay ka pa rin Niya at buhay ka dahil may nakalaan pa Siyang plano sayo. Pero paano mo yun makikita kung ngayon palang susuko ka na? Maaari na iba’t ibang dahilan ng pagsubok natin, pero ito ang nag iisang sigurado, na buhay ako at ikaw dahil mahal Niya tayo at may plano Siyang maganda para sa mga buhay natin.

Oo, pagod ka ngayon. Oo, nasasaktan ka ngayon pero lahat yan may katupasan. Lahat ng hindi magandang bagay may katapusan. Pero ang Diyos, mananatiling buhay. Kaya kumapit ka lang.

Tandaan mo na sa bawat pag bukas at pag pikit ng iyong mata, tanging pag-asa ang magbibigay sa’yo ng lakas upang makita ang maganda sa bawat pagdurusa. Kaya wag kang bibitaw. Wag tayong bumitaw.

 

 

(P.S. To anyone out there who has read this, to every filipino like mo who’s undergoing the same or has been in a hopeless place, if you feel alone and no one is there to listen, I’m just one email away. Hit me up at imtheloveadvocate@gmail.com

Let’s share hope with one another! Sending lots of prayers to you!)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s